BSP Governor Benjamin Diokno kinilala bilang ‘best central banker’ of 2022

Kinilala si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno bilang ‘best central banker’ of 2022 sa buong mundo.

Ayon sa The Banker isang United Kingdom-based Financial Times group, tinulungan ni Diokno na maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas at patuloy na isinulong ang modernisasyon ng banking system sa bansa.

Dagdag pa nito sa kabila ng impact ng inflation sa buong daigding nagawa pa rin ni Diokno na panatilihin ang holding interest rates low sa 2 percent para magkaroon ng stability.

Gumawa din umano ng hakbang ang BSP chief para matiyak ang pagdaloy ng pondo papunta sa mga green projects, kung saan isa mga patunay dito ay ang launching ng Philippine Sustainable Finance Roadmap.

Inihayag naman ng BSP ang ibinigay na pagkilala ng The Banker para kay Diokno ay kauna-unahang parangal na nakuha ng Pilipinas simula nang maitatag ang grupo noong 1926.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *