BSP, handang magbigay ng paunang P35B para sa panukalang Maharlika Fund

Nagpahayag ng kahandaan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magbibigay ng paunang P30 billion hanggang P35 billion para sa panukalang Maharlika Wealth Fund (MWF).

Sa pagdinig ng House committee on appropriations para sa panukalang MWF Act, sinabi ni BSP deputy governor Francisco Dakila Jr. na ang halaga ay magmumula sa dividends ng BSP.

Matapos magbigay ng initial contribution, sinabi ni Dakila na magbibigay lang ang BSP ng 50% ng kanilang dividends sa MWF, dahil ang ibang 50% ay ilalaan para sa capitalization ng BSP.

Sa ngayon, nasa proseso palang umano ang Bangko Sentral sa pagtatatag ng kanilang target capital bilang compliance sa kanilang inamyendahang charter.

Sa oras na ma-fully capitalized na ang BSP, muli umano silang magbibigay ng 100% ng kanilang dividend para sa MWF. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *