BSP, isinulong na gawing krimen ang pag-hoard ng mga barya

Isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maipasa ang batas na gagawing krimen ang pag-hoard ng malalaking volume ng mga barya.

Sa isang pahayag ay sinabi ng central bank na ang pag-criminalize ng hoarding ng malalaking volume ng barya ay ang magpapatibay sa nagpapatuloy na efforts na mapanatili at maprotektahan ang integridad ng Philippine currency.

Ipinunto ng BSP na maaring magkulang ang barya sa sirkulasyon dahil sa coin hoarding, na bagay na magiging hadlang sa pangunahing gamit nito na magamit sa pakikipagkalakaran.

Iginiit rin ng BSP na maaring humantong ito sa artificial shortage na magiging sagabal sa financial system.

Matatandaan na nasabat ng pinagsamang operasyon ng National Bureau of Investigation, na may koordinasyon sa BSP, Bureau of Customs, at Philippine Coast Guard ang mga tig-pipiso na P50-million ang halaga sa isang warehouse sa Barangay Laging Handa, Quezon City.

Mula sa inisyal na inspeksyon ay sinabi ng BSP agents na galing ang mga tig-pipiso na barya mula sa iba’t-ibang design series.

Bukod sa mga barya ay natagpuan rin sa warehouse ang maraming luxury cars na walang mga plaka at conduction stickers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *