BSP, nakikitang magpapatupad ng back-to-back rate hikes vs inflationary uptrend

Posibleng magpatupad ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng back-to-back policy rate hikes sa layunin na mabawasan ang patuloy na inflationary uptrend sa bansa.

Ayon kay economist Chua Han Teng, posibleng itaas ng central bank ang policy rates ng hanggang 25 basis points.

Binigyang diin naman sa research note na ang ekonomiya na nagrerekober mula sa pandemya sa gitna ng lumuluwag na virus restrictions, ay nangangahulugan na hindi na kinakailangan ang extreme pandemic-era accommodation.

Matatandaan na nagpatupad na ang BSP ng hikes sa 25 basis points para sa unang pagkakataon simula noong 2018, dahilan para pumalo ang overnight reverse repurchase facility sa 2.25%, overnight deposit facility sa 1.75%, at overnight lending facility sa 2.75%.

Sa pagkakataong iyon, ang inflation ay nasa 5.4%, na siyang fastest reading sa nakalipas na tatlong taon, simula nang maitala ito sa 5.2% noong December 2018, kumpara sa 4.9% noong Abril, 4.1% sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *