BTS star, sisimulan ang S. Korea military service sa Disyembre

Papasok na rin sa South Korea military service ang oldest member ng K-pop phenomenon na BTS, na una sa banda na mae-enlist ayon sa ulat.

Ang lahat ng South Korean men na may edad na 30 ay dapat sumailalim sa  dalawang taon na military service  pangunahin dahil ang bansa ay nananatiling teknikal na nakikipagdigma sa nuclear-armed na North Korea.

Ibig sabihin, nalalapit na ang age cut-off para sa 29-year-old na si Jin ang senior member ng sikat na sikat na BTS.

Sisimulan niya ang kanyang mandatory five-week training sa Yeoncheon sa lalawigan ng Gyeonggi bago i-deploy sa isang “frontline unit”.

Una ng inanunsyo ng kanilang agency noong nakaraang buwan na ang mga miyembro ng banda ay sasailalim sa mandatory military service na magsisimula kay Jin.

Ang BTS ay kinikilala sa pagbibigay ng bilyun-bilyon kita  sa ekonomiya ng South Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *