BuCor, BJMP personnel ikinanta ng mga inmates na nasa likod ng pagpuslit ng mga kontrabado sa Bilibid

Tinukoy na ng ilang mga inmates ang ilang Bureau of Corrections (BuCor) and the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) personnel na umano’y nasa likod ng malayang pagpasok ng mga kontrabado sa kulungan.

Sa ngayon, sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. na hindi pa nila maaring pangalanan ang mga ito dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Nilinaw naman ni Catapang na nangyari ito nang ang BJMP pa ang in charge ng Maximum Security Compound.

Ayon kay Catapang, na ang mga dawit na personnel ay bibigyan ng due process, pero kung sila ay nailipat na pabalik sa kani-kanilang unit, ang kaso ay ipapasa sa bureau sa halip na sa BJMP, habang ang mga personnel naman na nasa loob pa ng NBP ay ire-relieve mula sa kanilang pwesto.

Mababatid na sa isinagawang Oplan Galugad noong October 31, narekober ang mahigit 12,000 na mga kontrabando gaya ng mga cellphones, bladed weapons, higit 7,500 na lata ng beer at iba pa sa loob ng mga selda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *