BuCor Chief, ipinag-utos ang pagpapagiba ng mga kubol sa lahat ng prison facilities sa bansa

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. sa mga persons deprived of liberty na gibain ang lahat ng “kubols” o makeshift rooms sa lahat ng prison facilities sa bansa.

Sa isang pahayag na inilabas ngayong araw, sinabi ni Catapang na bahagi ito ng hakbang ng BuCor na tuluyan nang hindi makapasok ang mga kontrabando sa loob ng mga selda ng kulungan.

Iniulat ng BuCor na boluntaryong binuwag ng mga PDL sa New Bilibid Prison ang 60 kubol na matatagpuan sa security housing building 1 at 6 NBP North, SHB 9 NBP East Quadrant 4 at SHB 7 NBP West Quadrant 2, habang nagpapatuloy naman ang paggiba sa mga kubol sa  Quadrant 3 ng maximum security compound.

Nagbabala rin si Catapang na simula sa Lunes, August 21, sisirain ng mga tauhan ng Bucor mula sa Diversified Maintenance Unit ang mga kubol na makikitang nakatayo pa rin sa loob ng NBP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *