BuCor, magsasampa ng kaso laban sa mga indibidwal na responsable sa paghuhukay sa NBP

Magsasampa ng kaso ang Bureau of Corrections laban sa mga indibidwal na responsable sa paghuhukay sa New Bilibid Prisons.

Sa isang ambush interview sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr., plano rin nilang magsampa ng kaso laban sa Agua Tierra Oro Mina Development Corporation kung saan pumasok si Suspended BuCor Chief Gerald Bantag sa isang joint venture agreement.

Nauna nang inamin ni Bantag na siya ang nag-utos ng paghuhukay sa loob ng NBP para sa isang malalim na swimming pool dahil siya umano ay master scuba diver.

Noong Disyembre 2022, idineklara ng Department of Environment and Natural Resources na illegal quarrying ang paghuhukay.

Samantala, sinabi ni Catapang na umaasa rin silang magsampa ng reklamong plunder laban kay Bantag ngayong linggo o sa susunod na linggo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *