Plano ngayon ng Bureau of Corrections na magsampa ng kasong plunder laban kay suspended BuCor chief Gerald Bantag hinggil sa kuwestyonableng pagpapalabas ng ₱1 bilyon pondo para sa konstraksyon ng mga prison facilities.
Sinabi ni Acting BuCor chief Gregorio Catapang, mayroon na silang mga ebidensiya na magpapatunay na humigit-kumulang ₱300 milyon ang inilabas kahit hindi pa natatapos ang proyekto.
Sinabi ni Catapang na makikipagpulong sila sa Anti-Money Laundering Council authorities para tanungin sila kung paano gagawin ang pagsasampa ng kasong plunder.
Ita-tap din ang AMLC para tingnan ang bank accounts ni Bantag at ng kanyang mga kapamilya para malaman kung may transfer sa inilabas na pera.