Nananatili ang commitment ni House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co na mapabilis ang pagpasa sa panukalang pambansang budget sa 2024.
Ayon kay Co, naging komprehensibo, produktibo at transparent ang marathon hearings ng komite sa National Expenditure Program ng bawat ahensya ng gobyerno.
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng agarang pagpasa sa budget upang matiyak na hindi maaantala ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan.
Magsusumikap aniya ang Appropriations Panel na mai-consolidate ang lahat ng rekomendasyon at amendments bago iakyat sa plenary deliberations ang NEP.
Idinagdag pa ni Committee Senior Vice Chairperson at Marikina City Second District Representative Stella Quimbo na iiwasan nila na magkaroon ng re-enacted budget sa harap ng pagiging aktibo ng mga miyembro ng Kamara.
Target ng Kongreso na matapos ang plenary debates sa September 27 bago ang adjournment ng sesyon.