Nanindigan si Senador Bato dela Rosa na tila raw ay nakakawawa na ang Defense sector ng bansa.
Ito ay matapos mabigyan ng maliit na budget para sa 2024.

Sa pagdinig ng National Budget sa Senado, diretsahang sinabi ni dela Rosa kay Finance Sec. Benjamin Diokno na dapat ay dagdagan na ang budget para sa Defense assets ng bansa.
Gagamitin daw ang pondo na ito para makabili ng mga barkong may malalakas din na water pumps na kayang tumapat sa China.
Sa datos ng Department of Budget and Management (DBM), lumabas na 4.9% lang ng pondo ang inilaan para sa Defense sector.