Budget ng LWUA sa 2023 bubusisiin ni Padilla dahil sa ‘palpak’ na water supply sa Marawi

Tiniyak ni Sen. Robinhood Padilla na hindi makakaligtas ang Local Water Utilities Administration (LWUA) sa pagbusisi sa 2023 budget nito.

Dismayado kasi ang senador sa kabiguan ng LWUA na tugunan ang problema sa suplay ng tubig sa Marawi City, mahigit limang taon matapos ang 2017 Marawi Siege.

Ayon kay Padilla magkakaroon ng budget hearing sa Senado sa Oktubre, at asahan na umano ng LWUA ang mukha niya doon.

Hindi tinanggap ni Padilla ang paliwanag ni LWUA strategy management department manager Rodney Peralta na nasa “design stage” pa ang patubig, at hindi pa rin daw ma-finalize ito dahil hindi pa nareresolba ang ilang isyu sa Philippine Army sa lugar.

Naniniwala si Padilla na isang patunay lamang ito na hindi nagtatrabaho ang naturang ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *