Bufallo production at gatasan project, itatayo sa Masinloc

Magtatayo ang Philipine Carabao Center ng Bufallo Production at Gatasan Project sa bayan ng masinloc.

Ito ay para maparami ang mga ginagatasang kalabaw sa lugar na malaki ang potensiyal na maibenta sa merkado at makadagdag sa kabuhayan ng mga nagaalaga ng kalabaw.

Ang plano ay pinag-usapan noong July 21 sa pagitan ng Municipal Agriculture Office ng Masinloc at mga kinatawan ng PCC mula sa Nueva Ecija.

Samantala ang proyekto ay pinaglaanan ng sampung milyong piso.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: Serbisyon Potog nin Masinloc

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published.