Buffer stock ng NFA- Camarines Sur tiniyak na sapat sa kabila ng mababang bentahan ng bawat kilo ng palay

NAGA CITY- Tiniyak ng National Food Authority (NFA)- Camarines Sur na sapat ang buffer stock ng sako ng bigas sa kabila ng mababang presyo ng bili ng palay.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Branch Manager Jeffrey Gamboa Baluyot. Aniya mayroon nang mga nag-aani ng palay ngayon madaragdagan pa ito sa mga susunod na linggo pero problema nila ang nakapako  P19.00 na bawat kilo ng palay na clean and dry. Mas mataas aniya ang kuha ng mga traders kahit na bagong ani o basa at hindi pa nalilinisan. Pero kung sabay-sabay na ang anihan baka aniya bumaba rin ang kuha ng mga traders.

Sa ngayon mayroong 25,000 na sako ng bigas sa NFA warehouse. Ayon kay Baluyot patuloy ang hakbang upang hindi mawalan ng supply na gamit lalo na kung may kalamidad.

Sang-ayon naman ang Branch Manager sa Federation of Free Farmers na posibleng magkaproblema sa supply sa Hulyo hanggang Setyembre na lean months. Numipis man ang supply ng bigas sa merkado sisikapin ng NFA na hindi sila mawawalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *