Sapat na pangkunsumo sa loob ng siyam na araw, ito umano ang dapat na dami ng buffer stock na mayroon ang National Food Auhtority (NFA).
Pahayag ni NFA Sorsogon-Masbate Branch head Julie Llenaresas, bagama’t ang nasabing bilang ang ideyal na dapat na kanilang naiimbak ay mayroon umanong mga pagkakataon na hindi naman ito nasusunod.
Nagdedepende din kasi ang kanilang buffer stock sa dami ng kanilang nabibiling palay mula sa mga magsasaka.
Ayon dito, sakali mang hindi nila maabot ang dapat na buffer stock ay wala namang dapat na ipag-alala ang publiko dahil kanila naman itong napapamahalaan ng maayos lalo pa kung wala namang kalamidad na tumatama sa lalawigan.
