NAGA CITY – Sabay na inilunsad ngayong araw ng Naga City at Camarines Sur Provincial Government ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan Program ng Department of Interior and Local Government, katuwang ang mga Local Government Offices kabilang na ang City Dangerous Drugs Board.
Sa Naga City, nagkaroon ng maikling programa sa Plaza Quezon na dinaluhan ng mga personahe ng Phil National Police, Bureau of Fire Protection at iba pa.
Dumalo rin ang ilang mga City Councilors.
Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si Toti Importante, Head ng Naga City Dangerous Board at ipinaliwanag niya ang ilan sa mga layunin ng programang ito ang paglaban sa illegal na droga.
Ayon kay Importante, mabigat na kalaban ang sindikato ng illegal drugs dahil sa impluwensiya ng mga ito, maging alin mang sangga ng Gobyerno.
Ang BIDA Program ang isa sa aktibidad nilang tutukan ngayon, mula sa mga barangay, sa mga paaralan, tuloy maiiwas ang mga bata at estudyante sa masamang bisyo.
Sa ngayon, marami pa ring mga Persons Who Use Drugs ang nasa pangangalaga ng NCDDB na mahigpit mino-monitor nina Importante, ng mga barangay opisyal at ng mga pulis.