Itinanggi ni Governor Daniel Fernando ang usap-usapang na-stroke ito matapos ang viral video nito na hindi nakapagsalita nang maayos sa Opening ng Singkaban Festival sa Bulacan noong Lunes.
Sabi pa ng gobernador sa mga nasasakupan nito na huwag mag-alala at walang nangyaring masama sa kaniya at wala naman daw siyang malubhang sakit.
Ayon sa cardiologist na si Berwyn Flores, maaaring bumalik sa publikong trabaho ang gobernador matapos ang ilang araw ng sapat na pahinga.
Nakaranas kasi ng exhaustion, over fatigue at dehydration si Fernando kung saan una nang ipinaliwanag ito ng provincial government ng Bulacan.
Samantala, wala namang papalit muna sa posisyon ni Fernando dahil maayos naman ang kalagayan nito.