Bulacan LGU, may paglilinaw matapos manghina si Gov. Fernando sa isang event sa Lalawigan

Nilinaw ng Bulacan LGU na ‘dehydrated’ lamang si Governor Daniel Fernando matapos ang viral video kung saan ay makitang hindi ito makapagsalita nang maayos sa People’s Day event noong nakaraang Lunes.

Kung maaalala kasi, unang kumalat ang bali-balitang na-mild stroke daw ang Gobernador – bagay naman na pinabulaanan ng Bulacan LGU.

Sa isang pahayag, sinabi nilang pagod lang at dehydrated si Fernando dahil katatapos lamang nitong bumisita sa mga residente ng Bulacan na apektado ng baha.

Sa ngayon – nagpapahinga na raw si Fernando at nasa maayos naman ang kalagayan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *