Bulkang Bulusan sa Sorsogon, nasa normal level na

IBINABA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa normal na lebel o Alert Level 0 ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa Phivolcs, inilagay sa normal status ang Bulusan matapos ang nakitang pagbaba sa monitoring parameters ng bulkan.

Halos wala nang namomonitor na mga paggalaw ng bulkan simula noong unang linggo ng Disyembre 2022.

Oktubre 2 ng nakaraang taon nang itaas ang alert level status ng bulkan sa Alert Level 1 matapos na makitaan ng paggalaw ng lupa sa palibot ng bulkan at tumaas ang average emmision ng sulfur dioxide nito sa 462 tonnes/day.

Nagpaalala pa rin ang Phivolcs na maaari pa ring itaas ang naturang alerto sakaling may makitang “renewed increase” sa mga binabantayang parametro.

Pinayuhan din ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (pdz), partikular na sa mga vents dahil sa panganib na hatid ng posibleng steam-driven o phreatic eruption, rock fall at landslide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *