Bulkang Taal, muling nagbuga ng malakas na abo at usok

Muling nagpamalas ng aktibidad ang aktibong Bulkan ng Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PHIVOLCS, mula Agosto nayong taon, tumaas ang ‘degassing activity’ ng Bulkan sa pamamagitan ng ‘visibile’ na ‘upwelling’ ng volcanic fluids sa Main Creater lake nito.

Sa latest advisory ng PHIVOLCS, nakapagbuga ang Taal Volcano ng 13,572 tonelada ng volcanic sulfur dioxide kada araw.

Mula July 15, naga-average sa 7,818 tons ang ibinubuga nito kada araw – mas mataas mula sa average na 1,289 tons kada araw mul Mayo hanggang July 15.

Naitala rin kahapon ang makapal na ‘vog’ ‘o ‘yung volcanic smog sa Caldera ng Taal.

Dahil dito, inabisuhan ng PHIVOLCS ang mga residente sa mga Bayang malapit sa Taal na umiwas na muna sa mga outdoor activities, isara ang mga pintuan at bintana, at manatili na muna sa loob ng mga tahanan.

Pinag-iingat din ang mga indibidwal na sensitibo sa volcanic smog lalo na ang mayroong mga sakit sa baga at puso, may asthma, pati na rin ang mga nakatatanda, buntis, at mga bata.

Inirekumenda rin ang palagiang pagtatakip ng mga ilong, at pagsusuot ng mga N95 mask.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Taal.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *