Bulto ng Moderna COVID-19 vaccine, darating sa PH sa July- presidential adviser

Posibleng darating na sa bansa sa susunod na buwan ang bulto ng COVID-19 vaccines mula sa American firm na Moderna. 

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, kasama ang mga bakuna mula Moderna sa inoculation shots para sa private sector na darating sa susunod na buwan.

Aniya, maliit na suplay pa lamang ang dumating sa bansa dahil mahirap kunin ang Moderna kaya inaasahan nyang darating ang pinakamalaking order nito sa mga susunod pang buwan. 

Mababatid na una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na 250,000 doses ng Moderna vaccine ang inaasahang darating sa June 21.

Sinabi ni Concepcion na nakalaan ang Moderna shots para sa private sector. 

Samantala, naka-secure naman ang bansa ng 13 milyong doses mula sa US company.

Maliban pa sa Moderna vaccines, 1.17 milyong vaccine doses mula AstraZeneca ang darating sa July 14 habang isa pang 1.17 milyong doses ang ide-deliver sa Agosto. 

Ang mga COVID-19 vaccines naman mula India ay daratng sa ikatlong quarter ng taon. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *