Buong Camarines Sur nakapagtala ng 111 COVID-19 cases nitong nagdaang linggo

NAGA CITY- 111 COVID-19 cases ang naitala sa buong Camarines Sur nitong nagdaang linggo.

Ito ay base sa update ng Department of Health Bicol. Pinakamarami sa listahan ang Naga City na mayroong 48, nasundan ng Pili na may 10 , Camaligan 6, parehong lima sa Canaman at Pili habang isa hanggang apat naman sa iba pang mga bayan.

Patuloy ang kampanya ng DOH na sundin ang health protocols at magpabakuna upang maiwasan ang malalalang epekto ng sakit, pero nang matanong ng BNFM ang ilang mga residente sinabi nilang hindi na sila gaano nababahala dahil alam na kung paano maiiwasan ang sakit at marami na ang bakunado, ang iba naman hindi na naniniwala sa nasabing virus.

Tulad ni Richard Amador ng Naga City, puwede na nga aniya ang malalaking gatherings. Ibinahagi rin ni Amador na ganito rin ang naoobserbahan  niya sa mga naiikutang bayan sa Camarines Sur kapag ginagampanan ang trabaho bilang land surveyor. 

Gayunpaman sinabi niyang kompleto siya sa bakuna, may booster dose pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *