Ni-relieve ng Philippine National Police ang buong puwersa ng Bayawan City police sa Negros Oriental, ilang araw matapos maaresto doon ang tatlong suspek sa pag-atake noong March 4 na ikinamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Sa isang pressbriefing, sinabi ni Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group na nakabase sa Central Visayas, nagpadala na sila ng bagong team na bubuo ng mga bagong miyembro ng Bayawam Police Station.
Ang mga na-relieve na mga pulis ay pansamantalang itinalaga sa Negros Oriental Provincial Police Office.
Samantala, mahigpit ngayon ang ginagawang pagbabantay ng PNP at Armed Forces of the Philippines sa buong Negros Island para mahuli ang iba pang salarin sa insidente.//CA