Buong pwersa ng pulis sa isang police community precint sa Maynila, sinibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang buong pwersa ng pulis na nakatalaga sa Simon-Basilio-Maceda Police Community Precint (SIBAMA PCP) matapos ireklamo ng komunidad nito.

Kabilang sa labing apat na pulis na nasibak dito ang SIBAMA PCP Commander na si Police Maj. Jade Dela Torre.

Ayon kay Manila Police District Director Brig. Gen. Andre Dizon, nasibak ang mga ito dahil sa hindi pagpapatrolya at pagsasagawa ng police visibility.

Ayon pa kay Dizon, sasailalim ang mga ito sa isang refresher course sa ilalim ng district mobile force batallion ng MPD.

Kaugnay ng nasabing insidente, pansamantalang uupo bilang OIC ng SIBAMA PCP si Police Lieutenant Palomino na mula sa MPD District Mobile Force Battalion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *