Bureau of Immigration, hindi na i-rerequire ang mga arrival cards sa mga pauwi sa bansa

Inihayag ni Bureau of Immigration (BI) Port Operations Division Chief Carlos Capulong na hindi kinakailangang mag-submit ng arrival cards ng mga Pilipino na pauwi sa bansa.

Ayon kay Capulong, ito ay upang mas mapabilis ang pag-uwi ng ating mga kababayan at magkaroon sila ng hassle-free entry sa Pilipinas.

Dagdag pa niya naging requirement lang umano ang mga disembarkation cards noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic upang mas mapadali ang pag-trace sa kaso ng naturang sakit.

Samantala, tinatayang nasa 14,000 international arrivals ang itatala ng paliparan ngayong buwan ng Abril. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *