Burol ni dating pangulong Fidel V. Ramos, nakatakda nang buksan sa publiko simula bukas

Nagpapatuloy pa rin ang pagpunta ng mga nais makiramay at makidalamhati sa burol ni dating pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park sa Taguig City.

Ngayong araw, bumisita ang ilang mga war veterans at mga anak o apo nito, mga law enforces, pati na rin ang iba pang mga kasamahan ng dating pangulo sa kanyang panunungkulan noon.

Inaasahan ding darating ang mga kaklase at iba pa mula sa West Point.

Nagbigay pugay din ang mga miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force.

Sa pamamagitan ng isang ‘saludo’, pinasalamatan ng mga miyembro ng SAF si Ramos na itinuturing na ‘ama ng SAF’ dahil itinatag niya ito noong siya pa ang hepe noon ng Philippine Constabulary.

Bumisita rin ang mga kasamahan nito mula sa Rotary Club of Manila.

Simula bukas, bubuksan na para sa publiko ang burol ng dating Pangulo.

Inaasahan ding darati ang mga co-founder ni Ramos mula sa LAKAS party, iba pang mga dating executives ng OP at iba pang mga close-in staff.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.