Bus at top down tricycle nagkabanggaan  sa Baao, Camarines Sur; isa patay

CAMARINES SUR- Patay ang driver ng top town tricycle matapos na mabanga ng bus sa Baao, Camarines Sur.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PSSGT Richard Taguirer ng Baao PNP na bandang pasado alas-7 kagabi nang makatanggap sila ng impormasyon ukol sa aksidente sa Barangay San Francisco.

Lumalabas sa imbestigasyon na sinubukan ng bus na dala ni Darwin Pontejon ng Sto. Domingo Albay na mag over take pero hindi napagbigyan, kaya pinasok nito ang kabilang linya kung saan naroroon ang top down.

Karga ng top down ang mga produktong plastic na mga kagamitan sa bahay , minamaneho ang sasakyan ni  Mark Joseph Samonte ng Juban Sorsogon.

Sa head on collision hindi nakaligtas si Samonte.

Mahaharap sa kasong si ang driver ng bus sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *