Bus na nagiging tren, inilunsad sa bansang Japan

Japan—Habang tumatagal ang panahon, mas napapadali ang paglalakbay sa mundo dahil sa pagkakalikha ng mga makabagong sasakyan na nagbibigay ng mas madaling sistema ng transportasyon.

Sa bayan ng Kaiyo, Tokushima Prefecture sa bansang Japan, isang Bus na nagta-transform sa pagiging isang tren ang inilunsad kamakailan lamang ng Asa Coast Railway.

Batay sa ulat, ito ang kauna-unahang “dual mode vehicle” na naimbento sa buong mundo.

Mula sa pagiging bus na tumatakbo sa kalsada, may kakayahan din itong tumakbo sa riles gamit ang karaniwang metal na gulong na otomatikong bumababa kapag tatakbo na ito sa riles.

Inabot ng 10 years ang naturang kompanya bago nailunsad ang naturang sasakyan na ayon sa pamunuan nito ay ginawa upang mapagaan ang biyahe ng mga senior citizens at huwag nang magpalipat-lipat ng sasakyan.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published.