Bus vs motorsiklo 3 patay sa Camarines Sur

NAGA CITY – Dead on the Spot ang 3 lulan ng motorsiklo matapos na akdisenteng salpukin ito ng isang pampasaherong bus sa Pili Camarines Sur bandang alas 3:30 ng madaling araw nitong Lunes Mayo 21.

Napag-alaman kay PLTCOL Juffrey Todeño, Chief of Police ng Pili PNP nangyari ito sa kahabaan ng Maharlika Highway San Agustin Pili, kung saan habang tinatahak ng isang Motorsiklo na minamaneho ni Ricky Dacillo, 35-anyos ng San Vicente, Camarines Norte, angkas ang 2 hindi pa nakikilalang backride at papunta sa direksyon ng Naga City, ay aksidenteng nasalpok ito ng isang Arandia Bus na minamaneho ni Raffy Malaran y Ponsseca, 30-anyos ng Ligao City, Albay.

Paliwanag ng Driver ng Bus, bigla lamang umano lumitaw sa harapan nito ang motorsiklo at huli na upang makapag-preno pa kung kaya nasalpok nito ang motorsiklo.

Makikita sa mga larawan na nakain ng bus ang linya ng motor.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ng ilang metro ang mga biktima at nagtamo ng matinding sugat sa katawan at ulo.

Samantala, sinubukan pang-itakbo ng MDRRM Pili ang mga biktima sa pagamutan subalit ang mga ito ay ideneklarang Dead on Arrival ng mga sumuring doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *