Bush fire naitala sa Sorsogon City

Naitala kahapon ng hapon sa lungsod ng Sorsogon isang bush fire.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO, alas 2:27 ng hapon nang maiparating sa kanila ng Barangay Tanod ng Sitio Banasi, Barangay Osiao sa Distrito ng Bacon, ang insidente.

Agad naman na tumugon ang City BFP at nagspray ng tubig sa lugar.

Alas 4:00 na ng hapon ng naideklarang ‘fire under control’ ang nasabing bush fire.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga bushfire ay nangyayari dahil sa tuyo, mainit na panahon, malakas na hangin, hangin na palipat-lipat ng direksyon, kidlat at mga aksidente.

Ang bushfire ay maaaring magsimula ng mabilis at ang maliit na bushfire ay maaaring maging malaki.

Ang bushfire ay nangyayari sa lahat ng mga lugar, katulad ng sa kakahuyan at gubat,  sa mga suburb na malapit sa kakahuyan, sa damuhan,  malapit sa dalampasigan at sa ibabaw ng burol.

Walang babala kung mayroong bushfire.

PHOTO: Louie Mendoza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *