Business One-Stop Shop sa Tacurong, tatagal hanggang Enero 21

KORONADAL CITY — TATAGAL hanggang Enero 21 ang operasyon ng Business One Stop Shop o BOSS sa Tacurong City na binuksan noong Enero 3 para sa mga gustong mag-renew o kukuha ng business permits.

Ito’y dahil hanggang sa ngayon, marami pa ring mga business establishments sa Tacurong ang hindi pa nakakapag-renew ng kanilang mga permits.

Sa ilalim ng BOSS, inilagay sa isang lugar na makikita sa City Gymnasium ang lahat na mga tanggapan na kasali sa pag-proseso ng business permits,

Samantala, para sa mga walk-in clients, nagpalabas ng direktiba ang city government:
Una, magsumite ng mga requirements at dokumento sa Business Permit and Licensing Office o BPLO upang ma-encode at ma-endorse sa mga opisina; ikalawa, magbayad ng babayarin upang mabigyan ng Official Receipt ng City Treasury Office; ikatlo, i-claim ang mga Business Permits sa BPLO.

Kaugnay nito, maaaring kumuha ng business permit online gamit ang eBPLS.

Dahil dito, hinihiling ang lahat na samantalahin ang pagkakataon na makakuha o makapag-renew ng business permits sa ilalim ng BOSS upang madali ang proseso ng kanilang mga dokumento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *