Buwaya, nakuhanan ng video sa ilalim ng kabahayan sa bayan ng Bataraza

Nakuhanan ng video ng mga residente sa bayan ng Bataraza ang isang buwaya sa ilalim ng kabahayan sa Sitio Marabahay , Brgy.Rio Tuba.

Ayon kay Prince Suart Balasarte Fernandez, nakuhan niya ito ng video kasama si John Carlo Cambal bandang ala-una ng umaga ngayong Huwebes.

“Mga bandang 1 na po ng madaling araw. Bigla lang pong may nagkalabog sa silong ng bahay ehhh yun pala kinain na yung aso ng kapitbahay.Pagkatapos maya maya may nag sigaw na po na buwaya, Opo madalas po [ makita sa lugar ].”,

Palagi po kasi yung mga buwaya nagalabas at pumupunta ng tulay pag gabi na. Naghahanap siguro ng makakain”, ayon pa kay Prince.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *