Buzzer-beater ni Castro susi sa panalo ng TNT vs SMB sa Game 1 ng PBA Philippine Cup

Pinuri si TNT veteran Jayson Castro bilang “Mr. Hero” ng kanyang teammate na si Mikey Williams, matapos na muling maghatid ng tagumpay sa Tropang GIGA.

Susi sa panalo ang game-winner ni Castro sa huling 1.6 seconds ng laro, 86-84.

Dahil dito nakauna na ang TNT laban sa San Miguel Beer sa Game 1 ng 2022 PBA Philippine Cup Finals.

Nabatid na ang buzzer-beater din ni Castro ang nagsalba sa TNT sa Game 3 ng PBA semis laban sa Magnolia Hotshots dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *