CA, ibinasura ang petisyon ni Cedric Lee na ibasura ang illegal detention case

Hindi kinatigan ng Court of Appeals ang petisyon na inihain ng negoasyanteng si Cedric Lee na ibasura ang serious illegal detention for ransom case, na inihain laban sa kanya at anim na iba pa, kaugnay sa umano’y detention sa aktor na si Vhong Navarro noong 2014.

Sa 12-pahinang desisyon, pinagtibay ng 17th division ng Appellate Court ang kautusan ng Taguig City Regional Trial Court Branch 153 na nagbabasura sa mosyon ni Lee para sa kaso.

Ayon sa Court of Appeals, wala silang nakitang grave abuse of discretion sa panig ng trial court.

Matatandaan na noong 2014, inakusahan si Lee at ang grupo nito na hinold si Navarro at binugbog.

Samantala, si Navarro naman ay nahaharap ngayon sa kasong rape at acts of lasciviousness na inihain ni Denice Cornejo, bagay na itinatanggi ng aktor ang naturang akusasyon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *