CAAP, hindi pa rin alam ang kalagayan ng mga pasahero at mga pilotong lulan ng Cessna 340 plane

Hindi pa rin alam ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kalagayan ng piloto, co-pilot at dalawang Australian nationals na sakay ng eroplanong Cessna 340 at may tail number na RP-C2080.

Sa isang panayam, sinabi ng CAAP na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naaakyat ng rescuer teams ang crash site dahil sa sama ng panahon.

May mga choppers na rin na nag-iikot sa palibot ng bulkan upang tingnan ang mismong kalagayan ng eroplano upang mapabilis ang pag-akyat o pagkuha sa mga nawawalang pasahero at ng mga piloto.

Dagdag pa nito, ang sira-sirang mga bahagi ng eroplano ay nasa kanluran ng bulkan na may elevation na 3,500 hanggang 4,000 feet na nakumpirma gamit ang isang high-resolution camera.

Sinabi pa ng CAAP, tatlong beses na rin umanong sinubukang puntahan ng mga search and rescue units ang crash site ngunit bigo pa ring makarating dahil sa lakas ng hangin sa paanan ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *