CAAP ipadadala na sa mga eksperto ang blackbox ng sumadsad na Korean Air plane

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang mahigpit na imbestigasyon para sa eroplano ng Korean Air na sumadsad sa runway ng Mactan-Cebu International Airport kamakalawa.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na naka-dalawang beses nang tinangka ng Korean Air Flight KE361 na mag-landing sa naturang paliparan pero nag-overshoot ito sa naturang runway.

Nakatakda namang ipadala sa mga eksperto sa Singapore o Japan ang blackbox ng eroplano para malaman kung ano ang nangyari sa loob nb cockpit bago ang insidente.

Dumating na rin kagabi ang 40 na mga pasahero mula sa management ng Korean Air at Korean Office of Civil Aviation o KOCA sa Bohol-Panglao International Airport para sa isasagawang imbestigasyon.

Bahagya ring binuksan ang paliparan para ma-acommodate ang ilang mga flights.

Bago ito, una nang humingi ng paumanhin si Korean Air President Keehong Woo sa mga apektadong pasahero ng naturang flight.

Sinabi naman ni Tourism Secretary Christina Frasco na kaagad nilang inatasan ang regional office ng DOT sa Cebu para mabigyan ng karampatang tulong ang mga na-straded na pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *