CAAP, nagsagawa ng maintenance sa kanilang air traffic management center

Nagsagawa ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng maintenance activity sa kanilang air traffic management center na nakaapekto sa flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa loob ng ilang oras.

Sa kanilang advisory, sinabi ng CAAP na agad namang bumalik ang normal na operasyon kahapon ng umaga.

Nagpapasalamat naman anag CAAP sa pag-intinding ibinigay ng mga naapektuhang pasahero sa gitna ng naturang aktibidad.

Ang maintenance activity ay kinabibilangan ng pagpapalit ng blowing/cooling fan para sa second uninterruptible power supply (UPS) na ginagamit sa Communications, Navigation, and Surveillance / Air Traffic Management (CNS/ATM) System sa Air Traffic Management Center (ATMC).

Ang maintenance activity ay isinagawa halos tatlong linggo matapos makaranas ng technical glitch ang CAAP-controlled ATMC na nakaapekto sa daan-daang libong mga airline passengers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *