CAAP officials, hinimok na mag-file ng leave dahil sa airport glitch

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sina Civil Avaiation Authority of the Philippines (CAAP) director Capt. Manuel Tamayo na mag-leave of absence na muna habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naranasang aberya sa mga paliparan.

Kinumpirma naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista na kinokonsider na nila ang naturang hiling ng mambabatas.

Bago ito, una nang ginisa ng mga kongresista ang mga opisyal ng CAAP at DOTr.

Sa pagharap ng mga CAAP at DOTr officials sa House Committee on Transportation – kapwa humingi ng paumanhin sina Jaime Bautista, at Tamayo.

Sa pagtatanong ni 1-Rider party-list Rep. Col. Bonifacio Bosita, natukoy na hindi pa rin tuluyang nalalaman ng CAAP ang pinagmulan ng aberya.

Nalaman kasing hindi pala ang uninterrupted power supply o UPS ang sanhi ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Tamayo, circuit breaker ang nagdulot ng aberya sa Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CNS/ATM) na ginagamit ng CAAP.

Hindi naman masiguro ng CAAP officials kung hindi na mauulit ang ganitong aberya dahil tanging circuit breaker lamang ang pinalitan.

Aabot naman sa dalawang mga bagong UPS ang binili na ng CAAP.

Matatandaaan kasing nabigo ang back-up UPS na mag-function noong New Year dahil sa power surge na naranasan nito.

Binawi rin nina Bautista ang unang pahayag na outdated na ang CNS/ATM.

Bautista, hindi dapat maging tampulan ng sisi – JV

Hindi patas na sisihin agad si Department of Transportation Secretary Jaime Bautista para sa air traffice management system breakdown noong January 1.

Ayon kay Senador JV Ejercito, hindi dapat isisi kay sa bagong DOTr Secretary ang nangyaring technical glitch sapagkat nag-assume lamang din ito.

Dahil dito, nais aniyang magkaroon pa ng mas maraming impormasyon sa kung sino ang responsable sa problema sa Ninoy Aquino International Airport.

Bukod dito, gusto ring malaman ni Ejercito ang tunay na nangyari, at kung Civil Aviation of the Philippines (CAAP) o ang ibang ahensya ang nagpabaya, mananagot ang mga namumuno sa mga naturang ahensya.

Mababatid na sisimulan ng Senate Committee on Public Services ang imbetsigasyon sa aviation mess sa January 12.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *