CAAP, umaasang kaunting flights na lamang ang maaapektuhan sa 2hrs airspace shutdown

Umaasa ang Civil Aviation Authority of the Philippines na kaunting bilang lamang ng mga flights ang maaapektuhan sa dalawang oras na airspace shutdown sa May 17 upang bigyang-daan ang maintenance ng Air Traffic Management Center (ATMC).

Ayon sa CAAP, ang maintenance activity ay isasagawa mula alas-2 hanggang alas-4 ng umaga.

Mas maikli na ito mula sa naunang anunsyo na anim na oras ng shutdown.

Paliwanag ni CAAP Deputy Director General for Operations Captain Edgardo Diaz, ang mangyayaring airspace closure ay dahil sa imperative corrective maintenance activity sa ATMC, at upang mapalitan ang defective nang Uninterruptible Power Supply (UPS).

Ani Diaz, titiyakin ng naturang mga hakbang na ipagpapatuloy ng Communications, Navigations, Surveillanc at ATM system ang pagbibigay ng ligtas at epektibong air traffic control operations. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *