Cabinet members dapat may clearance mula kay PRRD bago dumalo sa senate hearing

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga miyembro ng gabinete na humingi muna ng clearance bago dumalo sa mga imbistigasyon o pagdinig ng senado.

Ayon sa pangulo pabalik-balik na ang kanyang mga gabinete sa hearing ng senado subalit hindi naman nito nagagamit ang mga testimonya ibinibigay sa mga senador.

Inihalimbawa ni Pangulong Duterte ang pagpapatawag ng senate blue ribbon committee kay Health Sec. Francisco Duque at ilang DOH officials ng paulit-ulit gayung nasabi na umano nito ang kanilang parte sa mga naunang pagdinig.

Nilinaw naman ng punong ehekutibo na hindi niya kinukwestiyon ang kapangyarihan ng senado na mag-imbestiga.

Sinabi pa nang pangulo na kung gusto ng mga senador na ‘lamutakin’ ang kumpanyang Pharmally ay wala na silang pakialam dahil ang importante umano ay naibigay nito sa pamahalaan ang mga kina-kailangan nitong i-deliver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *