Cafgu patay at dalawang iba pa, sugatan sa ambush sa Sorsogon

Patay ang isang miyembro ng CAFGU habang bahagyang nasugatan ang isa pa at isang sundalo sa nangyaring sagupaan vs New People’s Army sa bayan ng Juban, Sorsogon.

Sa isang video call, nilinaw sa Brigada News ng spokesperson ng 9th Infantry Division na si Cpt Frank Roldan na inambush ng mga rebelde ang kanilang tropa sa 22nd Infantry Battalion na nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) sa nasabing lugar.

Una umano ay may natanggap ang kanilang tropa na report na may presensya ng mga armadong lalaki sa Brgy Calmayon at nang puntahan ng tropa ay wala na ang mga rebelde, subalit nang pabalik na ang mga ito ay bigla na lang silang pinaputukan ng mga rebelde.

Tama ng bala ng baril ang ikinamatay ng isang Cafgu habang bahagyang nasugatan naman ang isa pang Cafgu at isang Army Corporal.

Sa ikinasang hot pursuit operations ng mga sundalo ay natagpuan nila ang temporary encamptment ng mga rebelde at dito nila narekober ang apat na IED, isang molotob, apat na keypad na cellphone, dalawangICOM na radio na may charger, isang booster charger, 50 meters wire, isang tshirt na may NPA markings isang walang laman na bandolier, ilang bahagi ng M16 rifle, isang duyan at subersibong dokumentos.

Humingi naman ng despensa si Cpt. Roldan sa pagka-antala ng report hinggil sa engkwentro dahil inasikaso pa umano nila ang nasawi at sugatan sa kanilang tropa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *