Cafgu, patay sa pamamaril

KORONADAL CITY- PATAY ang isang cafgu sa nangyaring pamamaril sa Purok Daisy, Barangay Derilon, Banga, South Cotabato kaninang umaga.

Ito ang kinumpirma ni Police Capt. Joseph Villaruel, hepe ng Banga PNP sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Kinilala ang biktima na si Jimboy Bansuan, residente ng Purok Ebenecer, Barangay Rang-ay, Banga, South Cotabato.
Ayon kay Villaruel, sakay ng itim na motorsiklo ang mga suspek na bumaril sa biktima na agad tumakas matapos nagawa ang krimen.

Nabatid na pauwi na sana ang biktima sa pamamahay nito nang pinagbabaril ng mga suspek.


Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Banga PNP sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *