Cagayan at Isabela, naka-red alert na para sa pagdaan ng Bagyong #NenengPH

Nag-labas ng abiso si Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Ruelie Rapsing sa mga local disaster offices sa Lalawigan na mahigpit na bantayan ang sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar bilang paghahanda sa inasaang epekto ng Bagyong Neneng.

Ayon sa forecast ng PAGASA, inaasahang dadaan ang bagyo sa bahagi ng Cagayan at Isabela ngayong hapon o gabi.

Inatasan ni Rapsing ang mga municipal at city DRRMOs na kaagad nang magsagawa ng preemptive evacuation kung kakailanganin.

Aniya, hindi na dapat hintayin pa ng mga LGUs na mag-landfall ang bagyo bukas bago ilikas ang mga residente.

Sa ngayon daw kasi ay nakararanas na ng malalakas na pag-ulan sa lawigan ng Cagayan at aabot na sa 24 mga munisipalidad ang nakararanas ng pagbaha.

Pinaghahandaan na rin ang posibleng pagtaas sa lebel ng tubig sa Cagayan River at inilatag na rin ang ilang mga tali para maaaring kapitan ng mga daraang residente.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *