CALABARZON, idineklarang Malaria-free ng DOH

Malaria-free na ang buong CALABARZON Region!

Ito ang masayang ibinalita ng Department of Health (DOH) kasunod ng kanilang deklarasyong Malaria free na ang rehiyon sa isinagawang seremonya sa pamumuno ng Center for Health Development – CALABARZON.

Ayon sa DOH, ang Rizal ang huling lalawigan sa rehiyon na nakamtan ang Malaria-free status nitong 2022.

Ang naturang status ay nakakamtan sakaling wala nang naitatalang kaso o zero transmission sa isang lugar sa loob ng limang taon.

Binigyang diin ng ahensya na ang status ay nakamtan dahil sa pagtutulungan ng 82 local government units katuwang ang public at private institutions at mga facilities.

Kaugnay ay hinamon ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire ang bawat lalawigan sa rehiyon na panatilihin ang Malaria-free status.

Ang sunod na aksyon umano ay “sustainability” o ma-sustain ang zero malaria cases sa kada lalawigan.

Ang malarya ay isang uri ng sakit na nakakahawa at napapasalin sa pamamagitan ng kagat ng isang lamok.

Nabatid na target ng Pilipinas na maging Malaria-free sa taong 2030.

Ipinagdiriwang naman ang World Malaria Day tuwing Abril 25 kada taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *