Calamity fund ng pamahalaan, nasa P18.3B pa – DBM

Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na may available pang pondo ang pamahalaan para sa disaster relief operations para sa kabuoan ng taon, kasabay ng paghahanda ng bansa sa Super Typhoon Mawar.

Ayon sa DBM, mayroon pang halos P18.3 billion ang gobyerno para sa calamity fund kung saan kabilang ang P1.5B na na-carry over mula sa budget noong nakaraang taon.

Kaugnay nito ay inihayag ng ahensya na handa ang pamahalaan para suportahan ang lahat ng operasyon para sa disaster rescue at relief.

Dagdag pa ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na maaaring i-mobilize ng ilang Identified frontline government agencies ang Quick Response Fund (QRF) na inilaan sa kanilang budget.

Ang QRF ay isang built-in budgetary allocation na nagpapakita ng pre-disaster o standby fund para sa mga ahensya upang agad na ma-assist ang mga lugar na tinamaan. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *