Cam High kampeon sa peñafrancia voyadores festival street and pilgrims dance competition

NAGA CITY – Wagi ang Camarines Sur National High School (CSNHS) sa katatapos pa lamang na Peñafrancia Voyadores Festival Street and Pilgrims Dance Competition 2023 sa Plaza Quezon, Naga City.

Bukod pa rito, natanggap rin ng nasabing eskwelahan ang ilang mga special awards tulad ng Best in Pilgrims Dance, Best in Street Dance, at Best in Music.

Sa ekslusibong pakikipagpanayam ng Brigada News FM Naga kay Pemie Polvorosa, ang Trainor ng nasabing eskwelahan, sinabi nito na kahit maraming pinagdaanan ang grupo, “overwhelmed” ang kanyang pakiramdam dahil sa lakas ng pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang sayaw.

Dagdag pa ni Polvorosa, hindi lamang kompetisyon ang nagtulak sa kanila para sumali kung hindi pati na ang debosyon kay Ina at ang kanilang panata sa pamamagitan ng pagsasayaw. Ang CamHigh ay mag-uuwi ng 160,000 pesos at trophy.

Sila rin ang magiging kinatawan ng syudad sa taunang Kasanggayahan Festival sa Sorsogon City.

Ito ang unang beses na pagbabalik ng naturang aktibidad, matapos ang tatlong taong pagkakahinto dahil sa pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *