Camarines Norte 1st District Rep. Josefina Tallado nakatakda nang manumpa sa tungkulin sa Lunes

CAMARINES NORTE- Nakatakda nang manumpa sa tungkulin si Camarines Norte 1st District Representative Josefina “Josie” Tallado sa Lunes para sa kaniyang ikalawang termino.

Gaganapin ang Oath Taking ceremony sa First Congressional District Office sa bayan ng Labo sa ganap na alas 4 ng hapon.

Manunumpa si Tallado sa harap ni Regional Trial Court Judge Leo Intia kasama ang apat na Board Members mula sa second district at dalawa naman mula sa unang Distrito na pawang kabilang sa PDP Laban.

Magbibigay ng mensahe ang asawa nitong si Outgoing Governor Edgardo Tallado.

Inaasahan namang sesentro ang Inaugural Address ng Kongresista sa mga programa nito para sa kaniyang ikalawang termino.

Dito ay inaasahang pormal ding ihahayag nito ang suporta kay House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na matunog na magiging House Speaker ng 19th Congress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *