CAMARINES NORTE – Inilabas ng Camarines Norte Electric Cooperative ang resulta ng isinagawang CANORECO District Election sa ilang bayan dito sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sa distrito ng Daet South at San Lorenzo Ruiz, isinagawa ang District Election noong July 1, 2023. Bilang nag-iisang kandidato, nakakuha ng kabuuang 19 votes – 8 sa Daet South at 11 sa San Lorenzo Ruiz si Incumbent Director Engr. Fernando Cruz.
Sa kanyang pagkapanalo, muli syang magsisilbing Director o Representative ng mga Member Consumer Owners sa Daet South at San Lorenzo Ruiz sa loob ng tatlong taon.
Sa Distrito naman ng Jose Panganiban, isinagawa ang nasabing District Election noong Hulyo 8, 2023 sa nasabing bayan.
Sa Dalawang kwalipikadong kandidato, nakakuha si Mr. Rosalino Avila ng 241 votes samantalang si Mr. Balbino Boral Jr. ay nakakuha ng 525 votes. Muling magsisilbing representante ng mga MCO sa naturang bayan si Incumbent Director Balbino Boral Jr. sa loob ng tatlong taon.
Samantala, sa Distrito naman ng Mercedes, isinagawa ang District Election noong ika 22, ng Hulyo 2023 kung saan sa dalawang kwalipikadong kandidato ay nakakuha si Mr. Arwin Segundo ng 1,430 votes samantalang si Mr. Rey Villeno ay nakakuha naman ng 176 votes.
Sa kanyang pagkapanalo, magsisilbing Director ng mga MCO sa bayan ng Mercedes si director Arwin Segundo sa loob ng tatlong taon. Nagpasalamat naman ang CANORECO sa Department of Education – Division of Camarines Norte sa patuloy na pagsuporta nito sa District Election na isinagawa ng kooperatiba at sa mga Member Consumer Owners na bumoto sa kanilang representante sa kooperatiba.
