Camarines Norte IMT nakapagtala ng mahigit 1 libong kaso ng paglabag sa minimum health standard protocols sa loob ng 1 linggo

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ang Camarines Norte- Incident Management Team ng nasa 1,019 na kaso ng paglabag sa  minimum health standard protocols.

Ang nautrang bilang ay naitala sa loob ng 1 linggo mula Mayo 17 hanggang 23 ngayong taon.

Nasa 138  ang  walang suot na  faceshield; 581  ang walang suot na  facemask; 125 ang lumabag sa mass gathering ;  175 ang lumabag sa Social / Physical Distancing.

Sa mahigit isang libong bilang ng paglabag, 816 ang binigyang-babala, 186 ang pinagmulta at 17 ang sumailalim sa community service.

Samantala, mula ng pumasok ang buwan ng Mayo at ipatupad ang mas mahigpit na pagpapatupad ng Health safety protocols ay umaabot na sa 2, 034 ang naitatalang paglabag mula sa iba’t – ibang bayan sa lalawigan

Patuloy naman ang panawagan ni  PLTCOL Rogelyn Calandria – Incident Commander for Law and Order ng Camarines Norte IMT, ng kooperasyon ng lahat sa patuloy na pagsunod sa minimum health standard protocols para maiwasan na mapatawan ng penalidad sa bawat paglabag 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *