Camarines Norte mayroon pang 11 aktibong kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Mababa na ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Provincial Health Office as of October 11, 2022 na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco mayroon na lang 11 aktibong kaso sa probinsiya.

Mas mababa ito kumpara noong mga nagdaang linggo at buwan kung saan higit isang daan ang naitatalang aktibong kaso.

Ang mga bayan na mayroon ngayong aktibong kaso ng COVID- 19 ay ang Daet na may anim,  tig dalawa sa Basud at Vinzons at isa sa Capalonga.

Dahil dito umabot na sa  4, 390 ang kabuuang kaso ng sakit sa lalawigan mula noong March 2020.

Sa bilang na ito 4, 117 ang gumaling o 93. 78  percent habang 262 naman ang nasawi o 5. 97 percent.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng PHO sa lahat na gawin pa rin ang mga kinakailangang pag- iingat.

Kapansin- pansin kasi ngayon na tila hindi na alintana ng mga tao ang banta ng virus.

Marami nang mga outdoor activities ang ginagawa tulad ng mga paliga sa basketball pa fiesta at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *